Connect with us

National News

ILANG MANGGAGAWA, POSIBLENG HINDI MAKAKATANGGAP NG 13TH MONTH PAY

Published

on

POSIBLENG HINDI agad makatanggap ng 13th month pay ang ilang manggagawa ngayong papalapit na Holiday seasons.

Base ito sa pag-aaral ng Department of Labor and Employment (DOLE) na payagan ang posibleng pagpapaliban ng 13th month pay sa mga kompanyang lugmok dahil sa pandemya.

Paglilinaw naman ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III, obligado pa ring magbigay ng 13th month pay ang ibang kumpanya.

Paliwanag pa niya, ang mga “distressed” na negosyo lang ang exempted sa pagbibigay.

“‘Pagka ‘yong business establishment is characterized as distressed, kaya we have to come up with an advisory to determine what is the meaning of a distressed company or distressed business establishment. Para ma-exempt sila from the payment,” pahayag nito sa online briefing.

Samantala, magsasagawa pa ng talakayan ang kagawaran at iba pang ahensya kung anong kumpanya ang maituturing na “in distress”.