National News
Ilang OFWs, tumakas sa quarantine facilities
Tumakas ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa quarantine facilities na minamanduhan ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, ilang OFWs ang umalis sa kanilang quarantine facility bago lumabas ang resulta ng tests nila.
Aniya, ang ilan sa mga tumakas ay kalaunang nagpositibo sa COVID-19.
Nanawagan naman si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., sa mga otoridad na arestuhin ang mga ito.
Pahayag ni Locsin, dapat umanong arestuhin ang mga tumakas, at magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha nila sa kanilang pagtakas at agad isailalim sa test ang lahat ng nagkaroon ng contact sa mga naturang OFWs.
Samantala, maaaring makasuhan ang mga tumakas ng paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.
Ang mga umuuwi na OFWs sa Pilipinas ay sumasailalim sa mandatory na 14 days quarantine.
Nagsasagawa din ng COVID-19 test bago mapayagan silang makauwi sa kanilang mga tahanan.