Connect with us

National News

Imbes mag-angkas: motor, lagyan ng sidecar – DILG

Published

on

Photo courtesy| http:/metronewscentral.net

Iminungkahi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kabitan na lang ng sidecar ang motor sa ngayong ipinagbabawal pa rin ang pag-angkas upang masunod ang physical distancing protocol.

“Lagyan lang ng sidecar ang motor ay puwede na niyang isama ang kanyang misis.

Ganoon na lang po solusyon habang nariyan pa ang virus,” pahayag ng kalihim.

Dagdag pa niya, hindi pa rin pinapayagan ang angkas dahil paglabag ito sa physical distancing.

“Hindi maaaring agad-agad payagang ibalik ang mga nakagawian na dahil hindi isusugal ng pamahalaan namagkahawaan ng Covid-19 ang mga mamamayan,” paliwanag ni Año.

Samantala, maglalaan naman ng ruta ang kagawaran kung saan papayagang bumiyahe ang mga nakamotor at bisikleta na may sidecar.

Ani ng kalihim, unti-unting inaayos na ng gobyerno ang transportasyon sa ilalim ng new normal.