Connect with us

National News

“IMMINENT WIN” NI MARCOS SA PARATING NA HALALAN, NAKIKITA NA NG MGA SURVEY FIRMS

Published

on

Maituturing na “runaway winners” sa May 9 elections sina presidential candidate, Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte batay sa mga resulta ng mga reputable poll firms ayon sa isang political expert.

Sa isang tweet, positibong sinagot ni Prof. Cleve Arguelles ang kanyang sariling tanong na: “election surveys can accurately predict election results?”

“If we assess the record of credible pollsters in the Philippines like the SWS and Pulse Asia, the answer is YES. They have consistently successfully predicted the outcome of the president and VP elections since 1992,” sagot ni Arguelles, professor ng De La Salle University at Convenor ng Populism & Democracy Research Cluster.

Noong 1992, ang resulta ng survey ng SWS, Abril 26 hanggang Mayo 4, isang linggo bago ang aktwal na pagboto, ay nagpakita na si Fidel Ramos ay nangunguna ng 27% laban sa 25% ni Miriam Defensor sa pagkapangulo, habang si Joseph Estrada ay nangunguna ng 33% laban sa 22% ni Marcelo Fernan sa pagkabise-presidente.

Batay sa malakontrebersyal na resulta, nakakuha si Ramos ng kabuuang 5,342,521 na boto laban sa 4, 468,173 na boto ni Defensor bagay na ipinaglaban naman ni Defensor.

Samantala, nakakuha si Estrada ng 33.01% o 6,739,738 boto habang 4,438,494 boto naman ang natanggap ni Fernan.

Noong 1998, nangunguna si Estrada sa May 2-4 SWS survey na nakakuha ng 40% laban kay Jose De Venecia na mayroon lamang na 16%.

 

Si Estrada ang nangibabaw, matapos siyang makakuha ng 10, 722,295 na boto, habang si De Venecia ay nakatanggap lamang ng 4,268283.

Taong 2004, nangunguna naman si Gloria Macapagal-Arroyo sa pinakahuling linggo na SWS survey na may 40% kontra kay Fernando Poe Jr.’ na may 37%.

Bagama’t nanalo si Arroyo na may 12,905,808 na boto laban sa 11,782,232 boto ni Poe, naging usap-usapan pa rin ang resulta dahil umano sa mga “reports of irregularities”.

Noong 2010, lumaban si Benigno Aquino Jr. kay Joseph Estrada, na nagpasyang tumakbo bilang pangulo matapos mabigyan ng pardon at mabilanggo dahil sa kasong pandarambong.

Nanguna si Aquino ng 42% laban sa 26% ni Estrada sa May 2-3 survey.

Gayunpaman, natalo ang kanyang running mate na si Mar Roxas kay Jejomar Binay, na may slim lead na 42% sa 40% ni Binay sa April 23-25 Pulse Asia survey.

Wasto din ang prediskyon ng dalawang higanteng survey firm sa pagkapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Grace Poe noong 2016, ngunit ang mahigpit na laban ng kasalukuyang presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Leni Robredo ang nabahiran ng kontrobersya sa vice presidential race.

Nanguna si Robredo ng 35% laban sa 34% ni Marcos isang linggo bago ang halalan — nakakuha si Robredo ng 14,418,817 habang 14,155,344 naman kay BBM.

Itinuring ang 2016 elections para sa pagkabise-presidente bilang pinaka kontrobersyal sa kasaysayan ng bansa. Inireklamo ni Marcos ang naging resulta ng pandaraya at disenfranchisement at naghain pa ito ng protesta.

Ngayon, muling magkaharap ang dalawang partido ngunit nakasalansan na ang mga posibilidad laban kay Robredo na mayroon lamang na 15% laban sa 60% ni Marcos, 53 araw bago ang halalan.

 

Patuloy pang namamayagpag si Marcos sa lahat na survey firms – SWS, Pulse Asia, Laylo, MB-Tangere, Octa Research, Publicus, DZRH, at DZXL-RMN-APCORE, at iba pa.

Samantala, ginamit naman ng kampo ni Robredo ang pagkawala ni Marcos sa lahat ng presidential debate maliban sa pinangunahan ng SMNI na tinawag naman ng bise presidente na isang kahinaan.

Ngunit ang nagkakaisang mensahe ng anak ng dating pangulo ay labis na tinanggap ng lipunan maging ang mga edad na hindi bababa sa 11 anyos sa 13 rehiyon sa bansa – sinisigaw nito na si Marcos ang pinakagustong kandidato sa pagkapangulo.

Nauna nang sinabi ng Pulse Asia na ang tanging paraan para makahabol ang mga kalaban ni Marcos ay kung bumagsak ang kanyang poll ratings “ngunit ang mga pagkakataong iyon ay malabong mangyari”.