Connect with us

National News

IMPLEMENTING RULES PARA SA REVISED ‘DOBLE-PLAKA’ LAW, INILABAS NG LTO

Published

on

Ini-release ng Land Transporation Office (LTO) ang revised set ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa RA 11235 o ang Motorcycle Crime Prevention Law.

Sa 13 pahinang dokumento na pinirmahan ni LTO Chief Engr. Edgar Galvante noong Mayo 11, nire-require ang mga riders na gumamit ng decal number plates na may sukat na 135mm by 85mm sa harap ng motorsiklo sa halip na malaki at metal plates na naunang iminungkahi.

Image|ABS-CBN

Habang ang sa likuran naman na plates ay dapat may sukat na 235mm by 135mm na mas malaki kesa sa ginagamit sa ngayon.

Kailangan din na readable ang naka print sa plaka ayon sa LTO.

Nagbigay din ng color scheme at rules and transportation office kung saan ilalagay ang stickers sa bawat rehiyon.

Heto naman ang mga multa sa Hindi sumunod sa IRR;

Ang motorsiklong unreadable ang license plate o walang plaka, pagmumultahin ang may ari nito ng P50,000-P100,000 at i-impound ang motorsiklo.

Ang mga may-ari na hindi nakaparehistro ng kanilang motorsiklo sa loob ng limang araw ay may multang P20,000-P50,000 at may posibilidad na makulong.

Ang mga may tampered naman sa kanilang license plates ay ipi-penalize ng P50,000-P100,000, kahalintulad din ang multa sa mga may-ari na gumagamit ng nakaw na plate.

Hindi papayagan ang indibidwal o kompanya na magbenta ng motorsiklon na hindi nagko-comply sa number-plate provisions.

Ang naturang batas ay ini-author ni Sen. Richard Gordon at pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2019 subalit sinuspende dahil sa public pressure.

Libo-libong mga motorcycle riders ang nag protesta at sinasabing nag-i-interfere sa aerodynamics ang malaking plaka na ilalagay sa harap ng motorsiklo at posibleng liparin ng hangin kapag mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan.