Connect with us

National News

Inaprubahan na ng Comelec en banc ang F2 Logistics bilang logistics provider sa Halalan 2022

Published

on

f2 logistics and commelec (1)

Ang F2 Logistics, isang firm na naiiulat pagmamay-ari ng major campaign donnor ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Dennis Uy, ay officially, nakuha ang P1.6-billion Commission on Elections (Comelec) contract upang magdala ng mga election materials at iba pang paraphernalia para sa May 2022 elections.

“They were most qualified as the bidder for the deployment. They just got the award of the contract,” sinabi ni Comelec commissioner Marlon Casquejo sa ABS-CBN News.

Kinumpirma ni Comelec spokesman James Jimenez na na-aprubahan na ng en banc ang notice of award para sa F2.

Ang kontrata ay para sa delivery, transportasyon, at warehousing ng mga election equipment, peripherals, forms, supplies, paraphernalia bago at matapos ang pagsagawa ng May 2022 elections.

Ngunit, ang Poll watchdog Kontra Daya ay naunang ng nagpahayag ng pag-aalala patungkol sa deal sa tycoon firm ng Davao, at sinasabing dapat pag-isipan ng Comelec ang kanilang “ethics and propriety.”

Si Uy ang pang-apat sa pinaka-malaking campaign donor sa 2016 presidential bid, ni Duterte, kung saan may naiambang siyang P30 milyon.

Batay kay Casquejo, binigay nila ang kontrata sa F2 bilang pag-sunod sa procurement rules.

“It just so happened that we are just following the GPPB (Government Procurement Policy Board) rules as I have said that we have to comply with the lowest calculated bid… F2 Logistics [has] the lowest calculated bid in the deployment of AES supplies,” aniya

Sa apat na items na subject sa bid, ang bid ng F2 Logistics ay wala pa sa kalahating amount na inalaan na budget para sa project na nasa P535.99 milyon, ang maximum contract amount ay nasa P1.61 bilyon.

Ang kanilang bid para sa tatlong items ay nagmumula P106 hanggang P123 milyon, kung saan ang budget ay nag-raranged hanggang P288 milyon hanggang P367 milyon.

Ang kanilang pinaka-malaking bid ay P186 milyon para sa isang item sa ilang regions na may nakalaan na budget na P662 million.

Reports from ABS-CBN News by Mike Navallo