Connect with us

National News

INTERNATIONAL TRAVEL NGAYONG TAON MALABO PANG BUMALIK SA NORMAL – DOT

Published

on

Maaaring hindi pa makapagbyahe ang mga Pilipino ngayong taon sa ibang bansa dahil sa hinaharap na COVID-19 pandemic.

Sakaling alisin man ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mananatili pa rin umanong pangarap muna ngayong taon ang planong pagbiyahe sa labas ng Pilipinas.

“International travel might not happen this year. At this point in time, traveling (abroad) is but a dream,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ayon sa kalihim, dahil sa restrictions na ipinatutupad ng mga bansa hindi agad maibabalik sa normal ang mga foreign travel.

Paliwanag ni Puyat, maging ang ibang bansa ay apektado din ng COVID-19 sa usapin ng aviation kaya’t inaasahang hindi agad makakabangon ang airline companies.

Samantala, naglatag na umano ang DOT ng ilang polisiya at programa na ipatutupad sa tourism stakeholders ng bansa bilang paghahanda sa ‘new normal‘ environment matapos ang COVID-19 crisis.

Aniya, nikipag-ugnayan na sila sa LGU at private sector upang paghandaan ang pagkakaroon ng health at safety controls sa tourist sites.

Batay sa guidelines, magkakaroon ng palagiang pagsusuri sa body temperatures ng guests sa mga hotel, pagsusuot ng personal protective equipment ng tourism frontliners, regular disinfection at sanitation ng hotels, resorts, accomodations at tourism transport services, pagbabawas sa kapasidad ng tourist vehicles at pansamantalang pagbabawal sa buffet.

Magsasagawa din ng regular na pag-iinspeksyon sa mga tourism establishments, sa pangunguna ng Department of Health (DOH).