National News
Isang 6.7 magnitude na lindol ang naramdaman sa Metro Manila at Cavite
Isang 6.7 magnitude na lindol ang tumama sa Batangas Province kaninang madaling araw batay sa Phivolcs.
Nangyari ang lindol mga bandang 4:49 a.m sa may 16 km southwest ng Calatagan, Batangas at may depth na 116 km.
Naramdaman ang lindol sa Metro Manila, Cavite, Tagaytay at sa mga kalapit nitong mga lugar, kung saan nagising ang mga residente sa kanilang pagtulog habang patuloy ang pag-uulan na dala ng monsoon rains.
Nagkaroon din ng 5.5-magnitude na aftershock na tumama sa may 12 kms southwest ng Calatagan, minuto lamang pagkatapos nang naunang lindol.
May naitalang 13 smaller shocks ang Phivolcs na naramdaman ng mga nabanggit na lugar kanina at may magnitude mula 1.7 hanggang 3.
Ayon sa Phivolcs walang inaasahang mangyayaring tsunami na maaaring magbanta sa seaside areas ng Pilipinas.
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga intensity na naramdaman matapos ang pangunahing lindol batay sa bulletin ng agency:
Intensity V – Calapan City and Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan and Magsaysay, Occidental Mindoro; Carmona and Dasmariñas City, Cavite
Intensity IV – Quezon City; Marikina City; Manila; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Tagaytay City, Cavite; Batangas City and Talisay City, Batangas; San Mateo, Rizal
Intensity III – Pasig City; San Jose del Monte City, Bulacan
Instrumental Intensities:
Intensity V – Calapan City & Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity IV – Batangas City, Batangas; Carmona, Cavite; Calumpit & Plaridel, Bulacan
Intensity III – Quezon City; Marikina City; Pasig City; Las Piñas City; Muntinlupa City; Malabon City; Navotas City; San Ildefonso, Pandi, Malolos, San Rafael, and Marilao, Bulacan
Intensity II – San Juan City; Dagupan City; Polillo, Quezon
Intensity I – Guinayangan, Quezon; Magalang, Pampanga; Iriga and Sipocot, Camarines Sur; Daet, Camarines Norte; Palayan City, Nueva Ecija; Iloilo City; Kalibo, Aklan; San Jose City, Antique; Bago City, Negros Occidental
Source: ABSCBN