Connect with us

National News

Isang Chinese Warship sapilitang pina-alis malapit sa El Nido ng PCG

Published

on

PCG
Photo by @FMangosingINQ Twitter

Isang Chinese navy warship sapilitang pina-alis sa Marie Louise Bank, 309 km off ng El Nido town ng Palawan province, matapos ang radio challenge ng isang personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Hulyo 13.

Ito ay sinabi ng tagapagsalita ng PCG na si Commodore Armand Balilo ngayong Lunes, Hulyo 19, batay sa ulat na natanggap ng PCG command center noong Hulyo 13.

Nakita ng PCG’s BRP Cabra (MRRV-4409) ang isang “navy warship” na may flag ng People’s Republic of China at may mga marka ng Chinese characters malapit sa Marie Louise Bank.

“Chinese warship 189 vicinity waters Marie Louise Bank, this is Philippine Coast Guard MRRV 4409….You are within Philippines’ exclusive economic zone,” maririnig sinabi ni Cmdr. Erwin Tolentino, ng PCG vessel BRP Cabra sa video footage ng PCG’s radio challenge.

“Your actions will affect Philippine-Chinese relations and will be reported to concerned authorities. You are advised to leave this vicinity, over,” aniya ni Tolentino.

Ibinahagi ng PCG ang kuha.

Gamit ang isang radar system, nagsagawa ng radio challenge ang personnel ng BRP Cabra habang papalapit at mino-monitor ang distansya ng Chinese warship.

Dahil walang narinig na verbal response, gumamit ng Long Range Acoustic Device (LRDA) si BRP Cabra Commander Erwin Tolentino para magpadala ng verbal challenge sa warship.

Doon palang nagsimulang umalis ang Chinese warship sa area, gayunpaman, sinundan pa rin ito ng BRP Cabra upang matiyak na umalis ito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ayon sa PCG, nang ang distansya ng Chinese warship ay approximately 500 hanggang 600 yards ang layo mula sa BRP Cabra, nagpadala ito ng isang radio message:

“Philippine Coast Guard 4409, this is Chinese Navy Warship 189. Please keep two nautical miles distance from me,” sinabi ng Chinese ship.

Ang parehong PCG ship ang nagpa-alis rin ng mga Chinese at Vietnamese fishing vessels sa parehong area noong mga nakaraang buwan.

“Nagpatuloy ang mahigpit na pagbabantay ng BRP Cabra sa Chinese Navy Warship gamit ang ‘Rules on the Use of Force (RUF)’. Ito ay hanggang sa tuluyang nakalabas ng Marie Louise Bank ang nasabing foreign state vessel na tumakbo sa bilis na 9.4 knots,” aniya ng PCG.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay lalong pinatibay ang mga maritime patrols matapos ang isang large-scale incursion ng mga Chinese militia vessels sa Julian Felipe (Whitsun) Reef ngayong taon.

Inactivate ng Coast Guard ang kanilang “Task Force Pagsasanay,” para paigtingin ang capacity building ng kanilang personnel at assets upang mapanindigan ang kanilang pangako na protektahan ang maritime territory ng bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.

Source: Inquirer.Net, ManilaBulettin