National News
ISRAEL, NANGANGAILANGAN NG MGA CAREGIVER; MAGIGING SAHOD AABOT SA ₱75,000 — TESDA
NANGANGAILANGAN ng mga caregiver ang bansang Israel batay sa Technical Education and Skills Development (TESDA).
Paalala ng TESDA, patuloy na tumatanggap ang Israel sa mga holders ng Level II Caregiving National Certificates para sa mga caregiving jobs.
Ang sahod ay aabot sa ₱75,000 kada buwan.
Ang mga aplikante ay dapat 23 taong gulang pataas. Kailangan na high school graduate at nakapasa sa caregiving course ng TESDA.
Batay sa POEA, ang job contract ay magtatagal hanggang 5 taon.
Maaaring mag parehistro online ang mga interesadonn aplikante sa pamamagitan ng POEA website.
Via: GMA News
Continue Reading