Connect with us

National News

Jim Paredes, inudyukan ang netizens na i-report ang mga cyber bullies

Published

on

Larawan mula sa www.google.com/images

“Pls report anyone who threatens, curses, bullies or insults you,” ito ang naging pahayag ng mang-aawit na si Jim Paredes sa kanyang Twitter post kamakailan.

Ayon sa kaniya, naging daan ang social media sa pagpapahayag ng iba’t ibang opinion, pero hindi umano ito dahilan upang ipagwalang-bahala ng mga netizens ang mga cyber bullies.

Kilala ang mang-aawit sa kaniyang malayang pagpapahayag ng political beliefs. Dahil dito, nakatatanggap din siya ng pambabatikos mula sa online community.

Kapapasok pa lang ng buwan, nag-post si Paredes ng screenshot ng natanggap umano niyang direct message mula sa isang netizen na nagbantang, “Brad no joke kung ako makakita sa yo sa labas pahiya ka sa kin sigurado yon. Ihahamapas ko face mo sa pader.”

Ito ang nag-udyok sa mang-aawit na hikayatin ang mga netizens na aksyunan  ang lumalaganap na cyber bullying.

Ilang oras lamang ang nakalipas matapos i-post ni Paredes ang natanggap na banta, nag-post ito ng panibagong screenshot  ukol sa umano’y “quick response” ng Twitter sa natanggap niyang  “threat of violence.”Ayon sa Twitter, Matapos nitong imbestigahan ang reklamo ng mang-aawit, ito ang naging tugon ng Twitter, “we’ve locked the account for breaking our rules.”