Connect with us

National News

JOBLESS NA PINOY UMABOT NA SA 12.2 MILLION

Published

on

Photo| https://www.imoney.ph

Mas maraming mga pinoy ang walang trabaho sa unang quarter ng 2021 na umabot na sa 12.2 milyon.

Ito ay epekto ng nararanasang pandemya sa bansa.

Base sa SWS survey 25.8 percent ng adult force ay nanatiling walang trabaho pero mas mababa ito ng 1.5 percent noong huling quarter ng 2020 na may 27.3 percent o 12.7 milyong pinoy na jobless.

Gayunman ang latest figure ay may 8.3 percent na mas mataas kumpara sa 17.5 milyon adult joblessness noong December 2019 bago ang COVID19 crisis.

Sa mga walang trabaho kabilang dito ang mga nag resign, naghahanap ng trabaho at nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ang survey ay isinagawa sa pagitan ng April 28 at May 2 taong kasalukuyan.

Pinakamaraming jobless ay mula sa Metro Manila (30.8%), sinundan ng Visayas (28.7%), Luzon (24.2%), at Mindanao (23%).