Connect with us

National News

K-12 PROGRAM, NAIS IPA-REVIEW NI PRESIDENT-ELECT MARCOS — SARA DUTERTE

Published

on

Inatasan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagrepaso sa pagpapatupad ng K to 12 program, ayon kay Vice President-elect at incoming Education Secretary Sara Duterte nitong Lunes.

“That is something na kailangan pag-usapan, na it cannot be decided overnight… but initially it is something na napagusapan din namin ni President Marcos and he already give instructions with regard to the review of the implementation of K-12 program of the Department of Education,” pahayag ni Duterte.

Nauna nang sinabi ni Duterte na titingnan niya ang tatlong isyu bilang Education chief kabilang ang epekto ng pandemya sa mga mag-aaral, ang full implementation ng face-to-face classes, at ang masusing pagtalakay sa K to 12 program.

Ilang grupo na rin ang nanawagan na dapat nang itigil ang K to 12 program sa bansa.

Sinabi rin ng incoming vice president na handa siyang magkaroon ng diyalogo at konsultasyon sa mga guro at grupo ng mga magulang upang harapin ang sistema ng edukasyon.

“Yes of course, ang success ng city government of Davao is precisely that we’ve partner with the private sector, we consult the private sector, we consult the stakeholders kung ano ‘yung mga suggestions nila na puwedeng mai-adopt ng city government ng Davao so I will take that klase ng pagtratrabaho doon sa Department of Education,” ani Duterte.

Continue Reading