Connect with us

National News

“Kailangang-kailangan po namin kayo,” apela ang DOH sa plano ng mga medical workers na mass resignation

Published

on

medical workers mass resignation plan (3)

Ayon sa Department of Health, handa silang makinig sa mga demands at concerns ng mga health care workers, ilang araw matapos nilang ipag-bawal ang plano ng mga medical workers na magsagawa ng mass resignations.

“Sana po mapag-usapan natin lahat ito pong inyong mga hinaing para hindi tayo umabot sa ganitong aksyon dahil ito po ay makakaapekto sa sitwasyon natin na kailangang-kailangan po namin kayo… ng ating mga kababayan,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa isang public briefing, sinabi ni Vergeire na ang plano ng mga medical workers ay magdadala ng negatibong epekto sa mga hospital sa Pilipinas, habang nakikipaglaban ang bansa sa isa nanamang surge ng infections.

Karamihan sa mga hospitals ay nasa critical hanggang full capacity na.

Philippine Nurses Association discourages health workers’ plan

Samantala, ngayong Linggo, ayon sa Philippine Nurses Association, hindi nila hinihimok ang plano ng mga health care workers na magsagawa ng mass resignation, ngunit, hindi nila sila masisi kung ginawa man nila ito.

“The group sympathizes with medical frontliners who have yet to receive the promised government’s benefits,” saad ni PNA national president Melbert Reyes.

“As much a possible, we don’t encourage them na gawin yan kasi ang maaapektuhan po ang pasyente, yung beneficiary ng care ng ating healthcare workers,” sinabi ni Reyes sa ABS-CBN’s TeleRadyo.

“Pero di natin sila masisisi kung gagawin nila ‘yan sapagkat ang pagpapahalaga at malasakit na binibigay ng gobyerno ay hindi talaga nila nararamdaman,” dagdag niya.

May mga health workers sa private hospitals na hindi pa nakakatanggap ng kanilang special risk allowances o hazard pay, batay kay Reyes.

Dagdag pa niya, 14% ng mga nurses sa private hospital ay nag-quit na sa kanilang trabaho, ito’y mula sa Private Hospitals Association Philippines.

“Sana po, matingnan natin ang sistema ng implementation. Wala naman po siguro magrereklamo kung natatanggap nang maayos,” aniya.

“Naniniwala pa rin po ako na ang ating health workers ay pinalaki na merong nag-aalab ng apoy para sa serbisyo. Nasasabi nila ‘yan dahil marami silang pinagdadaanan.”

Low salaries and lack of benefits

Ayon naman sa isang labour union official, ang mga health care workers sa private hospitals at medical institution sa bansa ay nag-kokonsiderang magkaroon ng “medical lockdown” dahil sa mababang sweldo at kawalan ng benepisyo.

Nitong Huwebes, sinabi ni UST Hospital union president Donnel John Siason, na “frustrated” na ang mga private-sector health workers sapagkat hindi sila nakakatanggap ng mga benepisyo, hindi tulad ng nasa public institution.

Pero, pahayag ng DOH na bukas ang kanilang channel upang makinig sa mga concerns ng health workers.

“Kung mayroon po tayong mga hinaing, kami po ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga organisasyon ng health care workers at amin pong pinapakinggan ang kanilang mga dinudulog at kung magagawa namin agad-agad, ginagawa namin agad-agad kung ano ang mga kailangan nila.”

Labor Secretary Silvestre Bello III this week said the management of private hospitals should also raise their employees’ salaries. He added that the Senate should “compel” administrations of private health institutions to elevate their workers’ wages.

Batay kay Labor Secretary Silvestre Bello III, na dapat ring itaas ng management ng mga private hospitals ang sweldo ng kanilang mga employee.

Dagdag niya pa na dapat i- “compel” ng Senado ang administrations ng private health institutions upang itaas nila ang wages ng kanilang workers.

Source: ABSCBN