National News
KAMARA, NIRATIPIKAHAN NA ANG ‘EXPANDED SOLO PARENTS WELFARE ACT’
NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang bicameral conference committee report na magbibigay ng dagdag benepisyo sa mga solo parents.
Ang pinagsama-samang House Bill 8097, o An Act Granting Additional Benefits to Solo Parents, Amending for the Purpose Republic Act No. 8972, o “Solo Parents Welfare Act of 2000,” at Senate Bill 1411, ay naglalayong makatulong sa halos 15 milyong solo parents sa bansa.
“Congress sees the 15 million solo parents meant to benefit from these amendments to the Solo Parents Act. Solo parents are not invisible citizens because we see their suffering and we act to address their woes,” pahayag ni Agusan Representative Lawrence Fortun.
Sa ilalim ng nasabing panukala, makakatanggap ang mga solo parent ng scholarship para sa kanilang mga anak, social safety assistance at automatic coverage ng National Health Insurance Program.
Para naman sa mga solo parents na minimum wage earners, makakatanggap sila ng P1,000 monthly subsidy mula sa LGU.
Magbibigay rin ng 10% discount at VAT exemption sa mga gatas ng sanggol, pagkain at supplements, sanitary diaper, prescribed na gamot, bakuna, at iba pang medical supplements sa mga batang edad 6 anyos pababa para sa mga solo parents na kumikita ng mas mababa sa P250. ,000 taun-taon.
Hinihintay na lang ang lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang nasabing panukala. — DK, RT
Source: GMA News