National News
KAMPO NI MARCOS SA MGA TAGASUPORTA, ‘WAG MAKAMPANTE HANGGA’T HINDI PA NATATAPOS ANG ELEKSYON


Nagpasalamat si Atty.Vic Rodriguez, Chief of Staff at Spokesperson ni presidential front runner Bongbong Marcos sa mga supporters ng Uniteam dahil sa patuloy na pangunguna ni BBM sa mga survey.
Ayon kay Rodriguez, nakakuha si Marcos ng 55 porsyento sa Publicus Asia’s Pahayag Survey na ginawa dalawang buwan bago ang araw ng eleksyon sa Mayo 9, 2022.
Ang matataas na resulta ng survey aniya ang nagbibigay inspirasyon sa kanila na patuloy na magtrabaho.
Ang patuloy na pamamayagpag ni BBM sa mga survey ay patunay lang ayon kay Rodriguez sa pagtanggap at pagsuporta ng mga Pilipino sa pagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa.
Kasabay ng pasasalamat ang pagpapaalala ng kampo ni Marcos sa mga tagasuporta na huwag makampante hangga’t hindi pa natatapos ang eleksyon.