Connect with us

National News

Karagdagang P888.12 milyon, gagamitin para sa SRAs ng health care workers

Published

on

SRAs ng health care workers

Ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado, ang nilabas na karagdagang P888.12 milyon ng Department of Budget and Management (DBM), ay gagamitin para sa special risk allowances (SRA) ng kabuuang 97,560 health care workers.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing, na sa Setyembre 6 nila inaasahang matatanggap ang Special Allotment Release Order (SARO) mula sa DBM.

“This will cover 97,560 health care workers for the SRA,” aniya, batay sa ulat ng GMA News Online.

Noong nakaraan, may nilabas na P9.02 bilyon ang DBM noong Hunyo bilang bahagi ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, ngunit may portions nito ang hindi nagamit at napunta na lang sa Bureau of the Treasury.

Pagkatapos, may inilabas sila na P311.79 milyon para sa SRAs ng 20,000 healthcare workers.

Pahayag rin ni Vergeire, na patuloy pa ding nag-susumite ang mga ospital na nasa regional offices ng kanilang listahan ng health care workers na entitled para sa SRAs.

(Source: JAMIL SANTOS, GMA News)