Connect with us

National News

Kidnapping Van ‘fake news’ ayon sa PNP

Published

on

Photo from the web.

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi totoo ang usap-usapang kumakalat ngayon sa social media ukol sa kulay puting van na nangunguha ng mga kabataan.

Sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, na hindi beripikado kung saan at kailan nangyari ang mga lumalabas na CCTV footage ng umano ay pagdukot sa mga kabataan.

“This [report] has no basis and is not validated,” saad ni Banac.

Hindi rin aniya beripikado ang mga lumalabas na video ng mga batang tinatanggalan ng mga lamanloob o internal organ.

Nagbabala si Banac sa mga netizens na nagpapakalat ng post na tigilan na ang pagkakalat ng fake news na lumilikha ng takot o panic sa publiko dahil paglabag umano ito sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Mas makakabuti umano na huwag nang i-share sa social media ang mga post o mas mabuting i-validate muna ang impormasyon mula sa pinakamalapit na PNP station.

Kaugnay nito, may 9 na kabataan ang naiulat na nawawala sa Pasay City subalit hindi pa tiyak kung ang mga ito ay insidente ng kidnapping at patuloy pa itong iniimbestigahan ng National Capital Region Police Officers.

Source: https://newsinfo.inquirer.net/1197211/van-riding-men-abducting-youth-fake-news-says-pnp