National News
KWALIPIKASYON SA MGA MAGIGING BRGY. OFFICIALS, DAPAT NANG TAASAN – DILG
Dapat ng baguhin ang kwalipikasyon ng mga tatakbo sa posisyon sa brgy kung ang Department of Interior ang Local Government (DILG) ang tatanungin.
Ito ang pahayag ng ahensya kasunod ng mga natanggap nilang report hinggil sa ilang brgy officials na nanamantala sa pamamagitan ng cash assistance dahil sa COVID 19 crisis.
Sinabi ni intertior Usec. Jonathan Malaya, na dapat maging katulad na ng kwalipikasyon ng national government officials ang basehan para makatakbo ang isang opisyal ng brgy.
Ayon kay Usec. Malaya na matindi umano ang pangangailangan ng “professional barangay” sa harap ng ganitong krisis.
Base sa data ng DILG, umaabot na sa 3,000 na reklamo ang idinulog sa ahensya kaugnay sa hindi umano patas na pamimigay ng cash aid.
Isinisi naman ito ng ahensya sa umano’y kapabayaan ng ilang brgy officials.