National News
Labanan ang Online Hate Speech para sa Ligtas na Komunidad, paghihimok ng CHR at UN
MANILA, Philippines – Ngayong Huwebes, nagbigay-pahayag ang Commission on Human Rights (CHR) na ang online hate speech na nakikita sa mga platform ng social media ay maaaring maging sanhi ng kalupitan at karahasan sa totoong buhay.
Ipinaabot ng CHR ang kanilang suporta sa isang kampanya ng United Nations laban sa hate speech, na naglalayong turuan ang mga tao kung paano haharapin ang hate speech.
“Words can be weapons,” ayon sa isang pahayag ng CHR. “From making your social feeds a no-hate zone to checking facts and sharing messages of tolerance and equality, each of us can take action to say ‘No to Hate’.”
Sinabi ng UN na nangyayari ang hate speech sa lahat ng lipunan, maging offline o online.
Binanggit nito na may mga pagkakataon na mahirap tiyakin kung ang isang komento ay isang hate speech, lalo na kapag ito ay ibinahagi sa virtual na mundo. Gayunpaman, sinabi nito na ang bawat isa ay maaaring maging aktibo laban sa hate speech, kahit hindi biktima.
“Refrain from making any hateful comments yourself and/or relaying such content. Whether online or offline, we should all act responsibly to stop the spread of hate and misinformation,” sabi ng UN.
At dagdag pa nito, “Learn how to do this responsibly – whether you’re forwarding a message, retweeting a story or watching a video in your feed.”
Para maagapan ang pekeng balita at hate speech, hinikayat ng CHR ang publiko na tiyakin muna ang pinanggalingan ng impormasyon sa pamamagitan ng search engines, mga tool sa fact-checking, at iba pang mapagkakatiwalaang sources.
hinikayat din ng CHR ang bawat isa na tumindig laban sa hate speech, hindi lamang sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga account na nagpapalaganap nito, kundi pati na rin sa pagpapakita ng suporta at pagtutol sa mga ganitong uri ng salitaan.
Ang UN ay naghihikayat sa publiko na makibahagi sa pagsasabuhay ng kamalayan ukol sa hate speech, sa pamamagitan ng pagsusulong ng responsableng pag-uugali at pagbabahagi ng edukasyonal na resources at public campaigns.
“Consider joining an non-government organization or other civil society initiative that works to address the issue of hate speech in your community,” sabi ng UN.