Connect with us

Education

“Learning crisis in the Philippines… it’s going to be even worse,” – UNICEF chief

Published

on

Mahigit 80% ng mga magulang ang nag-aalala na ang kanilang mga anak “are learning less,” batay sa isang survey na sinabi ni Isy Faingold, education chief ng UNICEF ng Pilipinas.

“There was already a learning crisis before Covid… it’s going to be even worse,” ayon kay Faingold.

Batay sa OECD data, ang mga 15 taong gulang sa Pilipinas ay nasa panghuli o malapit sa panghuli sa ranking pagdating sa reading, mathematics, at science.

Samanatala, two-thirds ng mga magulang ang sumusuporta sa reopening ng mga classrooms sa mga lugar na kung saan may mababang transmisyon ng virus.

Remote learning is taking a toll

Taking a toll

 

“Distance learning cannot replace in-person learning,” sinabi ni Faingold.

Nang dahil sa remote learning, naapektuhan na rin ang mental health at development ng mga kabataan.

“Long-term social isolation is closely related to loneliness and physiological illness in children,” ayon kay Rhodora Concepcion ng Philippine Society for Child at Adolescent Psychiatry.

“With the disruption of face-to-face learning and social interaction, regression in formerly mastered skills may be observed in children,” dagdag niya.

Ayon sa UN, ang Pilipinas ang isa sa mga konting bansa na hindi pa rin nagpapahintulot ng in-person classes sa mga paaralan mula nang magsimula ang pandemya.

Blended learning

Blended learning

Si Petronilo Pacayra ay nag-aalala sa kanyang mga anak na nasa siyam at sampung taong gulang, at tulad ng karamihan ng kabataan sa Pilipinas, umaasa sila sa mga printed worksheets na binibigay ng kanilang paaralan.

“Their reading skills really deteriorated,” sinabi ng 64-year-old single parent sa AFP sa loob ng isang masikip at dimly lit na kwarto.

Ang “blended learning” program ay may kasamang online classes, printed materials, at lessons na na-brobroadcast sa television at social media na nagsimula noong Oktubre.

Ngunit, may problema ito na hanggang ngayon, nanatili pa rin: karamihan ng mga estudyante sa Pilipinas ay walang computer o internet sa kanilang bahay.

(Source: by Cecil Morella, Agence France-Presse)