Connect with us

National News

LGUs dapat mag-provide ng bike lane para sa publiko – Palasyo

Published

on

Hinikayat ng Palasyo ang local government units (LGUs) na magtakda ng bike lanes sa publiko sa kani-kanilang lokalidad sa gitna ng mga community quarantine na umiiral sa bansa.

Ito ang panawagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang pagkilala sa naging hakbang ng mga Pinoy na gumagamit ngayon ng bisikleta bilang ideal mode of transportation.

Apela pa ni Roque, “nananawagan po kami sa LGUs, mag-provide po kayo ng mga bike lanes at ito nga po ang pet project ng ating Senator Francis Tolentino.”

Saad ng kalihim sa Laging Handa public briefing, mayroon nang umiiral na guidelines ang IATF sa kasalukuyan. Tulad ng 10-15% na public transport sa GCQ at hanggang 50% na capacity sa oras na magkaroon na ng Modified GCQ.

Dagdag pa ni Roque sa panahon ngayon malaki aniya ang maitutulong kung magbibigay ng bike lanes ang mga LGUs dahil limitado ang transportasyon sa iba’t – ibang lugar sa bansa.

Continue Reading