National News
LIBRENG ENTRANCE EXAM SA KOLEHIYO, INAPRUBAHAN NA SA KAMARA
Aprubado na ng House committees on basic and technical education ang House Bill No. 647 o “Free College Entrance Examination Act,” na naglalayong maging libre na ang Entrance Examination sa kolehiyo.
Batay sa panukala na inakda ni Parañaque Rep. Joy Myra Tambunting, hindi na magbabayad ang mga high school graduates, college entrants at transferees kung kukuha ang mga ito ng college entrance examination.
Ililibre na ang mga estudyanteng kukuha ng entrance exam sa lahat ng mga state universities and colleges (SUCs) at local college and universities (LUCs) sa bansa.
Umaasa naman ang Department of Education, Commission on Higher Education, at Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) na maisasabatas at maipatutupad ng mabilis ang nasabing panukala.
Ayon pa sa DepEd, aminado silang hadlang sa ilang estudyante na makapag-aral kolehiyo dahil na rin sa mataas pang binabayad na entrance fees.