National News
LICENSE TO OPERATE NG HOTEL NA NAG CATER SA MGA BFP PERSONNEL SA BORACAY, IRE-REVOKE NG DOT
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2020/06/103176325_2705326816391224_6174322622303830391_n.jpg)
![](https://radyotodo.ph/wp-content/uploads/2020/06/103176325_2705326816391224_6174322622303830391_n.jpg)
Pinoproseso na ng Department of Tourism ang ag revoke ng license to operate ng hotel sa Boracay na nag accomodate sa mga personnel ng Bureau of Fire Protection.
Kinumpirma ni Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na nag despedida party at stay pa sa Boracay ang mga BFP personnel mula Hunyo 12-14, 2020.
Ayon kay Puyat , idinahilan pa ng grupo na nag attend sila ng conference pero nilinaw ng kalihim na nakaalis na sa isla ang Boracay Inter-Agency Task Force bago dumating ang mga BFP personnel.
Dagdag pa ni Puyat na ire-revoke ng ahensya ang license to operate ng tinuluyang hotel ng mga taga BFP dahil wala pang permiso ito na mag operate.
“Walang certificate to operate noon at magbubukas pa lang ang Boracay on June 16 so bawal”, ayon kay Puyat.