National News
Lifetime validity ng Passport sa matatanda isinusulong sa Senado

MANILA, Philippines – Muling isinusulong ni Senator Manuel “Lito” Lapid na palawigin ang bisa ng passport ng mga matatanda.
Ikinasa ni Lapid ang Senate Bill No. 1197 sa isang virtual hearing ng Senate Committee on Foreign Relations, Huwebes, na pinamunuan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.
Ayon kay Lapid, nararapat lang pagbigyan ang mga senior citizen na magkaroon ng lifetime validity ng kanilang pasaporte dahil sila ay mahihina na at baka hindi na kayanin na magproseso.
“‘Yung mga senior citizen natin, karamihan diyan ay ‘di na makalakad, ‘di na makakita, malabo na ang mata. Kaya, pwede na sigurong pagbigyan,” giit ni Lapid.
Mistulang mahihirapan naman ipasa ang nasabing panukala na inihain na rin ng Senador noong 2019, para sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay dahil hindi umano naaakma ang nasabing panukala sa international standards sa pagbyahe.
“Our position is that the grant of the lifetime passport validity will not be compliant with the [International Civil Aviation Organization’s] specifications,” ani DFA Office of Consular Affairs Executive Director Alnee Gamble.
Source: REMATE
Continue Reading