Connect with us

National News

LIQUOR BAN IPATUTUPAD SA MAYO 8 HANGGANG MAYO 9

Published

on

Ipatutupad ng Commission on Election (COMELEC) ang liquor ban sa darating na Mayo 8 hanggang matapos ang botohan sa Mayo 9.

Base sa COMELEC Resolution 10746, ipinagbabawal ang pag-iinom ng mga nakakalasing na inumin sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa COMELEC, hindi papayagan ang pagbebenta, pagbibigay o pag-alok ng alak ng mga hotel, resort, restaurants at iba pang establisyemento sa kanilang mga customer.

Base sa nasabing resolusyon, ang sinumang indibidwal, kandidato at nanunungkulan sa gobyerno na lalabag dito ay maaaring makulong, madiskwalipika at mabawian ng karapatan para makaboto.

Aarestuhin naman ng mga pulis ang sinumang mahuhuli na umiinom ng alak habang papatawan ng sanction ang mga establisyemento na lumabag sa naturang resolusyon.