National News
Live crowd at pustahan, pinagbabawal sa sabong — DILG
‘Walang audience at walang pustahan’: DILG sa operasyon ng sabong
PINALIWANAG ni Interior Sec. Eduardo Año na pinagbabawal pa rin ang live crowd at pustahan sa mga sabungan.
“Walang audience at walang betting,” pahayag ni Año sa isang panayam.
Ayon pa sa kalihim, ang mga owners lang ng game fowls, referees, at organizers ang papayagang makapasok sa cockpits.
“Hangga’t maaari ayaw natin na papasok sa sabungan at magpupustahan doon at nagtatalsikan ang mga laway,” giit pa ni Año.
Dagdag pa niya, pinagbabawal din ang live broadcast sa nasabing sabong.
Inihayag ito ni Año kasunod sa desisyon ng gobyerno na muling papayagan ang ‘cockfighting’ sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.
Batay naman sa IATF, nakadepende sa mga LGUs kung papayagan nila ang operasyon ng sabong sa kanilang mga lugar.