Connect with us

National News

PLTGEN CAMILO CASCOLAN, IN-APPOINT NI PRRD NA BAGONG PNP CHIEF

Published

on

Kinumpirma ni DILG Sec. Eduardo Año na in-appoint ni Pres. Rodrigo Duterte bilang bag-o nga PNP chief si PLTGEN Camilo Cascolan.

“President Duterte has just signed his appointment.” ayon kay Año.

Papalitan ni Cascolan sa pamumuno ng 209,000 na mga pulis si PNP chief PGen. Archie Gamboa na magreretiro bukas, Setyembre 2.

Si Cascolan ang Deputy PNP Chief for Administration bago ang kanyang appointment bilang bagong PNP chief.

Classmates ni Cascolan sa PMA Class ’86 sina Gamboa at dating PNP Chief Oscar Albayalde.

Umupo din bilang Director ng NCRPO si Cascolan noong 2018.

Nagsilbi din siya noon sa Philippine Constabulary.

Meron siyang master’s degree sa Public Management sa University of the Philippine-Visayas.

Bago siya in-appoint ni former PNP Chief at ngayon ay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na PNP Director for Operations noong 2016, si Cascolan ang Deputy Regional Director for Administration sa Police Regional Office 6.