Connect with us

National News

Maaring makaranas ng mga power interruptions sa Luzon sa panahon ng eleksyon, simula Abril hanggang Hunyo, babala ng NGCP

Published

on

Power interruptions

Nagbabala ang National Grid Corp of the Philippines (NGCP) na may malaking possibilidad na magkakaroon ng rotational power interruptions sa Luzon Grid ngayong summer season.

Ayon sa NGCP ito’y dahil mataas ang demand, sa forecast ng
Department of Energy magkakaroon ng kabuuang peak demand na 12,387 Megawatts (MW) sa Luzon pagdating ng huling linggo ng Mayo.

Ito’y mas mataas ng 747 MW mula sa actual 2021 peak load na 11,640 MW noong Mayo 28, 2021.

“Thin operating margins (power in excess of demand, which is used to manage and balance the grid) is forecasted in the Luzon grid from April to June due to increase in demand during the summer, which includes the critical election period,” sinabi ng NGCP, batay sa ulat ng ABS-CBN.

Sinabi rin ng power grid operator ng bansa na kailangan ang demand-side management upang matiyak ang sapat na kuryente sa panahon ng halalan sa Mayo.

“To alleviate possible power shortages, NGCP appeals to policymakers to immediately explore demand-side management strategies to mitigate any possible power supply issues in the coming summer months, especially at or around the time of the presidential elections,” sabi nito.

Dagdag rin ng ahensiya na bilang pagsunod sa direktiba ng DOE, walang maintenance shutdowns ang naka-schedule pagdating ng mga summer months.

“On paper, there appears to be sufficient supply to meet demand,” sinabi ng NGCP. Ngunit, nabanggit rin nila na “the plan on paper … is not always followed.”.

“It is when there are unscheduled shutdowns and derations, and extensions of maintenance duration, that grid operations may be disrupted enough to warrant the issuance of a grid alert status,” dagdag nito.

Noong Mayo at Hunyo 2021, nag-isyu ng mga red alert dahil sa thin power supply sa Luzon Grid.

(ABS-CBN)