Connect with us

National News

MAGKAKALABANG PULITIKO SA MASBATE NAGKAISA PARA SA UNITEAM

Published

on

SINA presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ang kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte ang napiling  pambato ng buong lalawigan ng Masbate nang pirmahan nitong Sabado ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Governor Antonio T. Kho ang “manifesto of support” para sa kanilang tambalan.

Binisita ni Marcos nitong Sabado ang Lalawigan ng Masbate, kung saan nagkaroon ng caravan patungo sa Freedom Park, sa harapan ng Masbate Provincial Hall na pinag-ganapan ng UniTeam grand rally.

Sa caravan ay magkakasama sina Marcos, Gob. Kho at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) provincial chairman Ruben Jude Lim na magkalaban sa pulitika pero kapwa nagkaisa para suportahan ang BBM-Sara UniTeam.

Sa grand rally, sinabi ni Lim na dapat magkaisa na tulad ng panawagan ni Marcos, at aniya ay isapuso ang layunin ng pagkakaisa para sa ikauunlad ng probinsya ng Masbate.

“Tulad ng panawagan ng ating president (Bongbong) na dapat magkaisa tayo, dapat magkaisa buong Pilipino kaya mga Masbateño isapuso natin ‘yan, ang layunin ng ating president para tayong mga Masbateño mas madali ang pag-unlad ng ating probinsya,” sabi ni Lim.

“Sa mga Masbateño ipakita natin ang ating suporta hanggang sa May 9, 2022, maraming salamat sa inyo sa pagsuporta niyo kay BBM at kay Inday Sara,” dagdag ni Lim.

Sa nasabing programa ay opisyal na ring idineklara ni Kho ang BBM-Sara UniTeam bilang kanilang kandidato sa darating na halalan.

“As your Governor, with this forging of alliances and with his great promises, I will declare Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. as our official candidate as president,” deklarasyon ni Kho.

Sinabi din ni Kho na sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang partido ng tumatakbong alkalde na si Lim at ng ilang opisyal ng probinsya, ay nagkaisa sila sa hangarin na suportahan ang kandidatura ng BBM-Sara UniTeam.

“Pasalamatan din po natin si PFP provincial chairman RJ Lim, and besides our local political struggle, we will be supporting a common candidate for president and vice president respectfully,” sabi ni Kho.

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga lokal na opisyal at sa libong-libong Masbateño sa mainit na pagsalubong sa kanya.

Bagama’t kabilang ang Masbate sa Bicol Region, nangibabaw pa rin ang pagmamahal ng mga supporters kay Marcos, umaga pa lang ay marami na ang naghihintay sa kanyang pagdating.

Bago naman matapos ang programa ay nilagdaan ni Kho at ng mga lokal opisyal ng probinsya ang isang “Manifesto of Support” para sa BBM-Sara UniTeam.

Kabilang sa lumagda ang 17 alkalde, dalawang congressmen at 490 kapitan ng barangay.

Naging matagumpay ang programa na nagtapos sa pinagkaisang pagtataas at hawak kamay ng mga lokal na opisyal kasama si Marcos.

Masayang umuwi ang mga taga-Masbate bitbitnang pag-asa na sa wakas ay magkakaroon na rin sila ng mas maunlad na buhay sa ilalim ng pamumuno nina Marcis at Inday Sara.