National News
Mahigit ₱1 bilyong halaga ng shabu, nasamsam sa isang bahay sa Pampanga


Nasamsam ng philippine drug enforcement agency (PDEA) ang mahigit P1 bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang bahay sa Angeles City, Pampanga nitong lunes.
Sa isang pahayag nitong martes, sinabi ng pdea na isinagawa ang search warrant sa isang bahay sa isang subdivision sa barangay pampang laban sa isang chinese national.
Ayon kay pdea director general undersecretary isagani nerez, natagpuan ang iligal na droga sa loob ng 155 transparent plastic bags na may tinatayang isang kilo bawat isa, na may kabuuang halaga na P1,054,000,000.
“however, the house turned out to be abandoned. The subject of the search warrant, a chinese national, was nowhere in sight and remains at-large,” pahayag ng pdea.
Mahaharap sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang nasabing suspek.