Connect with us

National News

Mahigit 10 preso sumuko, matapos pinalaya ng GCTA

Published

on

The STAR/Boy Santos

Mahigit sampu sa halos 2,000 preso ang boluntaryong sumuko sa Philippine National Police matapos pinalaya dahil sa GCTA law.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi nito na may 10 preso ang nagpadala ng surrender feelers, matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin ang mga naturang preso kung hindi sila boluntaryong susuko sa loob ng 15 araw.

Unang sumuko sa Bogo City Police station sa Cebu si Jesus Ranoco Negro Jr., 50 anyos, na nakulong sa 8 counts ng murder-frustrated murder noong March 1990 at pinalaya sa GCTA noong August 9, 2019.

Sumunod na sumuko sa Pasay Police station mula sa Davao Penal Colony si Nicanor Pido Naz alyas Nick, na nahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo dahil sa paggamit ng ilegal na droga at pinalaya noong July 11, 2019 dahil sa GCTA.

Bukod dito ay may 9 preso pa ang sumuko sa iba’t-ibang police stations sa Cagayan.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, isa umano itong magandang development at umaasa siya na marami pa ang sumuko bago ang ibinigay na deadline ng Pangulo.

Isasailalaim sa standard police booking procedure ang mga sumukong preso bago i-turn over sa Bureau of Corrections (BuCor).

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/mahigit-10-sa-mga-presong-pinalaya-sa-gcta-sumuko