Connect with us

National News

MAHIGIT 108,000 NA MGA DRIVER, NAKATANGGAP NG FUEL SUBSIDY — LTFRB

Published

on

File Photo: Diadem Paderes/Radyo Todo

Mahigit 108,000 drivers ng public transportation sa buong bansa ang nakatanggap ng fuel subsidy ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Umabot na sa P703 million naman ang naipamigay na mga ayuda sa 108,164 drivers simula nitong Marso 15. Habang nasa 377,000 drivers naman ang target na mabigyan ng ayuda.

“Malaking tulong ang programang ito dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa merkado. Inaasam din nila [tsuper] na sana magkaroon pa ng mga susunod na subsidiya ang maipamahagi pa ng gobyerno,” ayon sa LTFRB.

“Pinapa-alalahanan ang mga operators o drivers, na ang halaga na kanilang matatatanggap na fuel subsidy sa ilalim ng programang ito ay maaari lamang gamitin para sa pagbili ng kailangan nilang krudo,” dagdag pa ng ahesnsya.

Samantala, patuloy naman ang koordinasyon ng LTFRB sa LandBank of the Philippines para mapabilis ang implementasyon ng programa.

Una nang inihayag ng Department of Budget and Management na may second tranche pa ng fuel subsidy sa buwan ng Abril. (With reports from Manila Bulletin)

Continue Reading