Connect with us

National News

MAHIGIT 180,000 NAWALAN NG TRABAHO SA PILIPINAS – DOLE

Published

on

Image|Metro News Central

LUMOBO at umabot na sa mahigit 180,207 ang numero ng nawalan ng trabaho sa Pilipinas ngayong taon kasunod ng COVID-19 pandemic.

Base ito sa datos ng Regular Job Displacement Monitoring Reports na inilabas ng Department of Labor and Employment mula Enero hanggang katapusan ng Agosto.

Batay sa DOLE, ang mga nawalan ng trabaho ay galing sa 9,548 establisimyento o kompanya.

Ayon sa ahensiya, marami ang nawalan ng trabaho sa mga buwan na kasagsagan ng pandemya.

Galing sa National Capital Region at CALABARZON naman ang may pinakamaraming nawalan ng trabaho.