National News
MAHIGIT 2 MILYONG NATIONAL IDs, NAIPAMAHAGI NA NG GOBYERNO AYON SA PSA
AABOT NA SA 2.2 MILLION na mga national IDs ang naipamahagi sa mga nagpa-rehistro batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA) as of September 30.
Kinumpirma ito mismo ni PSA Asst. Sec. Rosalinda Bautista.
“Pagdating sa nakatanggap na ng ID, ang report ng PHLPost (Philippine Postal Corporation) as of September 30 ay meron ng 2.2 million Filipinos na nakatanggap na ng PhilID,” pahayag ni Bautista sa Laging Handa briefing.
Target ng gobyerno na makapag-enlist ng 50-million na mga Filipinos sa national ID sa katapusan ng 2021.
Sa ngayon, nasa 43.2-million Filipinos na ang nakapa-rehistro online bilang first step sa pagkuha ng national ID.
Habang nasa 34.99 million naman na mga Filipinos ang nakatapos na sa step 2 at naghihintay na lang naibigay sa kanila ang ID.