Connect with us

National News

MAHIGIT 265K INDIGENT SENIOR CITIZENS SA WV, NAKATANGGAP NG SOCIAL PENSION

Published

on

May kabuuang 265,119 na mga indigent senior citizen sa Western Visayas ang nakatanggap na ng kanilang social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field office.

Ayon kay Regional Dir. Ma. Evelyn Macapobre may total na P795,357,000 ang nairelease ng ahensya sa mga social pensioners hanggang Mayo 18.

Dagdag pa ni Macapobre nakatanggap ng tig P3000 ang mga benepisyaryo para sa first semester ng 2020 o mula buwan ng Enero hanggang Hunyo.

Ito ay kinabibilangan ng 39,836 senior citizens sa Aklan; 31,744 sa Antique; 45,358 sa Capiz; 13,461 sa Guimaras; 24,140 sa Negros Occ; at 110,580 sa Iloilo.

Target ng ahensya ang 465,908 indigent senior citizens beneficiary sa rehiyon.

Ipinahayag pa ni Macapobre na nakipagtulungan sa kanila ang mga Local Government Units (LGUs) sa distribusyon ng social pension para mas mapabilis ang pamimigay nito sa ngayong panahon na naka-community quarantine.

Iginiit din ni Macapobre na ang isang social pensioner na nagsisilbing head of the family ay kwalipokadong tumanggap ng Social Amelioration Program (SAP) assistance ng ahensya.

Ang social pension ay isang regular na programa ng DSWD bilang kaparte ng kanilang state’s commitment para sa proteksyon ng mga matatanda na nakapaloob sa RA 9994 o ang “Expanded SeniorCitizens Act of 2010”.

Ang nasabing programa ay naglalayon na matulungan ang mga senior citizens na may sakit, walang kakayahang magtrabaho at walang natatanggap na pension o permanenteng pinagkakakitaan, walang pinansyal na suporta mula sa kanyang pamilya o kamag-anak para sa kanyang mga pangangailangan.

Sa ilalim ng Social Pension, ang mga kwalipikadong indigent senior citizens ay makakatanggap ng P500 per month na pension o P300 per semester o P6000 kada taon.

Sa ngayon ayon kay Macapobre, patuloy pa ang isinasagawang distribusyon ng social pension ng mga LGUs.