National News
MAHIGIT 3,400 NA BAGONG KASO NG COVID-19, NADAGDAG SA PILIPINAS
3,483 na bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa Pilipinas ngayong araw, Sept. 1.
Base sa case bulletin ng Department of Health, 224,264 na ang kabuuang kaso sa bansa kasama na ang 62,655 na active cases.
Ang top provinces na may pinakamaraming mga bagong kaso ay ang:
1. NCR – 1,824
2. Laguna – 223
3. Cavite – 184
4. Rizal – 161
5. Batangas – 126
Umakyat naman sa 158,012 ang mga gumaling na matapos madagdagan ito ngayon ng 464.
Samantala, 39 naman ang nadagdag sa mga namatay ngayong araw dahilan upang umabot na sa 3,597 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Continue Reading