Aklan News
Mahigit 6K household sa Aklan, Ibinalik bilang 4Ps beneficiary
IBINALIK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VI ang nasa mahigit 6,000 household sa lalawigan ng Aklan bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ang nasabing bilang ay mula sa 58, 360 households sa Western Visayas na ‘ni-reactivate ng ahensiya upang ipagpatuloy ang pangako ng pamahalaan na i-angat sila mula sa kahirapan.
Sa isinagawang press conference nitong Lunes, inihayag ni Belen Gebusion, 4Ps division chief ng DSWD FO-6 na mula sa 85,340 household na naunang tinukoy bilang non-poor at isinailalim re-assessment, mahigit 60,000 sa mga ito ang inirekomenda para sa reversion o retention sa programa at 25,224 ang for exit.
Sa ngayon ay ipinoproseso na ng DSWD FO-6 ang bayad retroactively mula Enero ng taon kung kailan na-hold ang kanilang cash grant hanggang sa buwan ng Setyembre ng taong kasalukuyan.