Connect with us

National News

Mahigit 700,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na-deliver sa Pilipinas kagabi

Published

on

700k+ Pfizer COVID-19 Vaccine

Mahigit 703,000 na Pfizer na bakuna ang na-deliver sa Pilipinas kagabi, Setyembre 1.

Batay sa sinabi ng National Task Force Against COVID-19 sa mga reporters, lagpas 9 p.m dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 651,690 Pfizer shots, ilang oras matapos ma-deliver ang 51,480 doses sa Cebu.

May kabuuang bilang na 5,654,610 Pfizer na bakuna ang natanggap ng bansa, kabilang na dito ang karagadagang 703,170 doses ng Pfizer na kakarating lang kahapon sa NAIA at Cebu.

Samantala, ayon sa pinapakitang data ng ABS-CBN Investigative and Research Group, kabilang ang ibang brands, may kabuuang 52.6 milyong bakuna na ang natanggap ng Pilipinas.

More vaccines to come

May inaasahang ring 25 milyong bakuna laban sa COVID-19 ang ma-dedeliver sa bansa ngayong buwan, kung saan ipapamahagi ito sa iba’t-ibang probinsya, ayon kay Vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr.

Kabilang dito ang tatlong milyong doses mula sa United Nations-backed COVAX Facility, 12 milyon mula sa Sinovac, limang milyon naman sa Pfzer, dalawang milyon na Moderna, isang milyon ng Sputnik Light, at isang isang milyon mula sa “bilateral partner.”

Dagdag pa ni Galvez na ang mag-scale up muli ang mga delivery ng bakuna sa bansa ngayong Setyembre matapos makipag-negotiate ang gobyerno para sa “bigger allocations from various manufacturers.”

Halos 14 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19, matapos ma-administer ang 33.7 milyong doses mula nang magsimula ang rollout noong Marso 1.

Ayon sa latest data ng gobyerno, mahigit 19.7 milyong doses ang naipamahagi na bilang unang dose.

(Source: CNN Philippines, ABS-CBN News)