National News
MAHIGIT 73 KATAO, PATAY, LIBO-LIBO ANG SUGATAN SA MASSIVE EXPLOSION SA BEIRUT, LEBANON
Mahigit 73 katao ang namatay at tinatantyang nada 2,700 ang nasugatan matapos ang malawakang pagsabog na nangyari sa Beirut, ang kapital ng Lebanon.
Nangyari ang insidente sa port area at sinasabing sobrang lakas ang pagsabog dahilan ng pagkasira-sira ng mga buildings, nagliparan ang mga sasakyan at naramdaman pa diumano sa pagsabog sa Cyprus na daang-milya ang layo sa lugar.
Wala pang malinaw na dahilan na sinabi ang mga otoridad may kaugnayan sa dahilan ng pagsabog.
Una ng ipinahayg ng state-run Nationl News Agency na bago ang pagdabog, isang malaking sunog ang nangyari sa warehouse ng mga firecrackers malapit sa port.
Makaraan nito, ipinahayag ng director ng general security directorate na may nakumpiskang “high explosive materials” pero hindi idinetalye ang mga ito.
10 mga firefighters ang missing ayon naman kay Governor Marwan Abboud.