Connect with us

National News

Mahigit 800,000 Pfizer at 100,000 Sinopharm na bakuna, dumating na sa Pilipinas nitong Miyerkules

Published

on

covid19 vaccines Pfizer and Sinopharm arrived in PH (1)

Mahigit 800,00 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno at 100,000 Sinopharm doses na donasyon ng United Arab States ay dumating na sa Pilipinas nitong Miyerkules.

Ang 813,150 doses ng Pfizer ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport mga bandang 9 p.m kagabi gabi.

Sinalubong nila Vaccine czar Carlito Galvez Jr. at US Embassy Chargé d’Affaires John C. Law ang arrival ng mga bakuna.

Ayon kay Galvez, ang fresh batch ng Pfizer na bakuna ay ilalaan sa Metro Manila, Cebu, Davao at iba pang urban hubs.

100,000 donated Sinopharm vaccines

Habang nag-donate naman ng 100,00 doses ng Sinopharm COVID-19 vaccines para sa Pilipinas ang United Arab Emirates nito ring Miyerkules.

Ang shipment ng 100,000 Sinopharm doses ang pinaka-unang bakuna na dinonate ng UAE sa Pilipinas. Ito rin ang nag-mamarka ng pagdating ng pang-pitong bakuna para sa public vaccination drive laban sa coronavirus ng bansa.

Ang Etihad airplane ang nag-deliver ng mga bakuna na dumating sa Ninoy Aquino International Airport mga bandang 1:55 p.m. Ito’y tinanggap ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Assistant na si Secretary Wilben Mayor at UAE embassy Acting Chargé d’Affaires na si Khalid Alhajeri, kasama ang iba pang opisyals.

Ayon kay Mayor nabigyan na ng emergency use approval ng FDA ang Sinopharm vaccine. Ang bakunang tinatawag na HayatVax ay nimanufacture sa UAE.

Nitong Miyerkules, batay sa National Task Force Against COVID-19, ang donasyon ng UAE ay hiwalay pa sa 1 milyong karagdagang Sinopharm doses na inaasahang darating sa bansa sa katapusan ng Agosto, ito ay donasyon mula sa China.

Sa pagdating kamakailan ng mga na deliver na bakuna, nakatanggap na ang Pilipinas ng higit sa 39.5 milyong doses mula pa noong Pebrero.

Samantala, 24.4 milyong mga bakuna ang na-administer na at may 11.3 milyong mga tao na rin ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 nitong Agosto 8.

Bukod sa donasyon ng UAE, nakatanggap na ng mahigit 6 milyong bakuna ang bansa mula sa United States, 1.1 milyong AstraZeneca doses mula Japan, 1 milyong Sinovac doses at 1,000 Sinopharm doses mula sa China, at 415,040 AstraZeneca doses mula United Kingdom.

Source: Rappler, Inquirer.Net

Continue Reading