Connect with us

National News

MAHIGIT 91K WAITLISTED SENIOR CITIZENS, POSIBLENG HINDI MAKATANGGAP NG SOCIAL PENSION SA SUSUNOD NA TAON – DSWD

Published

on

Nag-aalala ang Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi makakatanggap ng social pension ang may halos 91,000 na waitlisted senior citizens sa susunod na taon.

Ayon kay DSWD Asst. Sec. Glenda Relova, nag request umano sila ng P24 billion para masama ng programa ang 3.7 million na mga senior citizens.

Subalit mahigit P800 million ang tinapyas ng Dept. of Budget and Management sa pondo.

“Ang epekto po nito, ang hindi pagkakabigay ng budget na ito is mayroon po tayong mga waitlisted na around 91,000 na senior citizens na naghihintay mabigyan po ng grant. Kung hindi po maibibigay sa amin itong P800 million, hindi po namin sila maisasali para po sa 2021,” ayon kay Relova.

Nakiusap na rin si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa kongreso na pag-aralan ang sitwasyon matapos kwestyunin kung bakit “kailangan pa magpa waitlisted ang mga senior citizens natin or elderly people? Alam naman po nating limitado na ‘yong panahon nila dito sa mundo, lalo na ‘yong mga mahihirap tapos naka waitlisted. Samantala, mayroong maraming pondo diyan na puwedeng ma reallign para sa kapakinabangan ng ating ga elderly people”, pahayag naman ni Zarate.

Ipinasiguro naman ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na nagko-coordinate sila sa Kongreso at DBM para mapondohan ang mga waitlisted ng programa.

P171.2 billion ang proposed budget ng DSWD para sa taong 2021.