Connect with us

National News

Mahigit P7.8 billion unsettled disallowances patuloy na inaayos ng Philhealth

Published

on

Patuloy na inaayos ng Philippines Health Insurance Corporation (Philhealth) ang disallowances na nagkakahalagang P7. 858 billion sa pagtatapos ng 2022 ayon sa Commission on audit (COA).

Batay sa report ng state auditors, ang head office ng Philhealth ang may pinakamalaking disallowances na nagkakahalaga ng P1. 9 billion o 24% ng kabuuang halaga.

Sinundan ito ng Central Luzon na may P610.47 million at Cordillera Administrative Region na may P304.055 million.

Kapag ang isang transaksyon ng gobyerno ay hindi pinayagan, ito ay itinuturing na iregular, labis o illegal at dapat ibalik sa gobyerno ang pondong ginagamit para dito.

Ang may pinakamalaking hindi pinapayagang halaga sa Philhealth na ibinigay nang walang approval o legal basis ay ang cash gifts, allowances, stipends, holiday, birthday packages at bonuses.|via Trainee: Jennilyn Gano