Connect with us

National News

Mahigit P7 milyong halaga ng party drugs na itinago sa gummy candies, nasabat ng otoridad

Published

on

Photo: BOC

Nasabat ng mga otoridad ang PhP7.634 milyong halaga ng Ecstasy tablets o “party drugs” na nakatago sa kahon ng gummy candies at Belgian waffle biscuits mula Brussels, Belgium.

Nakatakda sanang ipadala ang shipment sa Quezon City, na binubuo ng pitong kahon ng gummy candies na naglalaman ng kabuuang 4,491 na tablets na pinaghihinalaang Ecstasy o MDMA.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang PDEA ukol sa papasok na shipment.

Agad na nagsagawa ng K-9 sniff test ang mga Customs Examiner at PDEA operatives. Dito, nakumpirma na nagpositibo sa mga iligal na droga ang laman ng parcel.

Isinilbi ang Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at R.A. No. 9165.

Pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabing operasyon. // via DKP

Continue Reading