National News
Mail-in voting para sa mga senior citizens, PWDs isinusulong ng COMELEC
Isinusulong ng Commission on Elections ang postal voting o mail-in voting para sa mga senior citizens at persons with disability (PWDs) sa 2022 elections sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ginagamit lang sa overseas voting ang nasabing procedure.
“In fact, ang postal voting o mail-in voting ginagawa na natin ‘yan sa overseas voting. Ang gusto lang ng Comelec ay palawigin ito pata ma-include ang domestic voting. Mag-identify lang muna tayo siguro ng mga partikular na voters. Halimbawa, senior citizens or persons with disability na puwedeng gumamit ng mail-in voting,” pahayag ni Jimenez.
Maliban dito, pinaplano din ng Comelec ang expanded alternative modes of voting pareho ng online voting.
Samantala, pinag-aaralan pa ng Comelec ang naturang voting procedure ayon kay Jimenez.
Sa kabila ng posibilidad na hindi pa matatapos ang pandemya sa 2022, inihayag ni Jimenez na walang nakitang dahilan ang Comelec para ipagpaliban ang halalan.