Connect with us

National News

MALACAÑANG: COLLEGE STUDENTS, KAILANGAN MUNANG MAGPA-REHISTRO SA PHILHEALTH BAGO BUMALIK SA F2F CLASSES

Published

on

Contributed Photo

Kailangan munang magparehistro sa Philippine Health Insurance Corportation (PhilHealth) o sa iba pang medical insurance ang mga estudyante sa kolehiyo na magbabalik sa limited face-to-face classes.

Inihayag ni Acting Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan ang Resolution 164 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ang layon ng nasabing hakbang ay para mapabilang ang mga estudyante sa medical expenses na kaugnay sa COVID-19.

“HEIs (higher education institutions) shall ensure that students who will participate in the conduct of limited face-to-face classes are registered with PhilHealth or with equivalent medical insurance which covers medical expenses related to COVID-19 , as either direct or indirect contributor,” saad sa resolusyon.

Batay rin sa IATF Resolution, ang mga estudyanteng edad 21 anyos pataas ang pwedeng magpa-rehistro sa PhilHealth bilang indigent members kung wala itong visible means of income.

Samantala, ang mga 20 anyos pababa naman ay mga dependents ng kanilang mga magulang o legal guardians.

Nakasulat rin sa ilalim ng provision: “In case of a violation of this provision and it is shown that a student gets infected by COVID-19 brought about by his or her participation in the limited face-to-face classes, the HEI shall facilitate the necessary medical treatment/procedures for the affected student/s.”

Magugunitang papayagan na ang 100% seating capacity sa Face to face classes sa mga lugar sa Alert Level 1 para sa mga fully vaccinated na teaching, non-teaching personnel at mga estudyante. (with reports from CNN)

Continue Reading