National News
MALACAÑANG, IPINAKILALA ANG MGA MYEMBRO NG PHILIPPINE ANTI-COVID CZARS
Ipinakilala na ng Malacañang ang mga opisyal ng gobyerno na siyang mangunguna sa pagpapatupad ng test, trace at treat strategy sa bansa.
Naglalayon ito na mapanatili na ‘under control” ang COVID 19 outbreak.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, tatawagin ang grupo na “Philippine anti-COVID czars” na kinabibilangan nina National Task Force Against COVID 19 deputy chief implementer Vince Dizon bilang chief testing czar, Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang chief tracing czar , Public Works and Highways Sec. Mark Villar bilang chief isolation czar at Health Usec Leopoldo Vega bilang chief treatment czar.
Dagdag pa ni Roque, na ang estratihiya na gagawin ng gobyerno ay ang pag-improba ng targeted testing, mas maraming isolation centers at mas masusing tracing at treatment para sa mga may sakit.
Ang Philippine anti-COVID czars ay sa ilalim ng National Task Force na pinapangunahan ni Chief Implementer Sec. Carlito Galvez.