Connect with us

National News

Malacañang nagbabala sa mga mayor, mandatory face shield policy bawal tanggalin habang walang abiso ng IATF

Published

on

Nagbigay ng babala ang Malacañang sa mga alkalde na nagdesisyon na tanggalin ang mandatory face shield policy habang wala pang abiso mula sa Inter Agency Task Force.

“Ang desisyon po ng IATF, ay desisyon din ng Presidente. So ang desisyon po ngayon ay kailangan ipatupad muna ang mga face shields habang pinag-aaralan po. Mayors are under the supervision of the President. Let us follow the chain of command,” saad ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Inihayag ito ni Roque kasunod sa pagtanggal ng face shield policy sa labas ng hospital settings sa Davao, Manila at Iloilo.

Una nang ipinaalam ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos na nagsang-ayon ang Metro Manila mayors na hindi na i-require ang paggamit ng face shield maliban sa mga ospital.

Mababatid na sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan nila ng isang linggo para pag-aralan ang panawagan na pangtanggal ng mandatory face shield requirement sa gitna ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

(With reports from GMA)