Connect with us

National News

Malacañang: National Government Agencies, Kailangang ipatupad ang pagtitipid ng Tubig sa harap ng banta ng El Niño

Published

on

Malacañang - National Government Agencies, Kailangang Ipatupad ang Pagtitipid ng Tubig sa Harap ng Banta ng El Niño

Inatasan ng Malacañang ang lahat ng ahensya ng pambansang pamahalaan na ipatupad ang mga hakbang sa pagtitipid ng tubig bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa bansa.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 22 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inaatasan ang mga ahensyang ito na magpatupad ng mga tiyak at attainable na hakbang sa pagtitipid ng tubig na magbubunga ng 10% na pagbawas sa volume ng kanilang konsumo ng tubig para sa unang quarter.

Ang bagong tatag na Water Resources Management Office, sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources, ang siyang mangunguna sa implementasyon ng programang ito.

Inaatasan din ang Local Water Utilities Administration, National Water Resources Board, at Metropolitan Waterworks and Sewerage System na magbigay ng buwanang projection ng supply-demand ng tubig.

Ang Malacañang ay naghihikayat sa mga nag bibigay serbisyo sa tubig na tapusin ang kanilang mga proyekto para mabawasan ang non-revenue water at mag-upgrade ng mga pipes ng distribusyon ng tubig.

Ayon sa PAGASA, inaasahan na magsisimula ang El Niño phenomenon sa Hunyo ngayong taon, kung saan nagaganap ang abnormal na pag-init ng temperatura ng dagat sa gitnang at silangang equatorial ng Pacific Ocean at ang pagkakaroon ng below normal na pag-ulan.