Connect with us

Health

Mananatili ang mandatory na pagsuot ng face mask hanggang sa matapos ang pandemiya

Published

on

face mask mandatory

Ayon sa National Task Force (NTF), mananatili ang panukalang mandatory na pagsusuot ng face mask sa mga pam-publikong lugar hanggang sa matapos ang pandemiya.

Batay kay Secretary Carlito Galvez Jr., NTF chief implementer, hindi pa natatalakay ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung tatanggalin na ba ang policy sa face mask.

“As of now, we haven’t discussed the removal of the face mask (policy). No such discussion has been made,” sinabi ni Galvez sa panayam ng radio station dzBB.

Dagdag niya na sinisikap pa rin ng gobyerno kontrolin ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

“What I have been telling the media all this time is that the last component of our easing of (rules and restrictions amid the pandemic) would be the removal of the mask mandate because that’s our final defense,” aniya, batay sa ulat ng PhilStar.

Nitong linggo, sinabi ni Galvez na maaring alisin ang mask mandate sa fourth quarter ng 2022, ngunit mangyayari lamang ito kung magiging “very manageable” na ang pandemiya.

Ayon kay NTF medical adviser Teodoro Herbosa, possibleng mangyari ito, sapagkat sa panahon na iyan, 90 milyong Pilipino na ang nabakunahan na ng gobyerno, kung saan 81% ito ng kabuuang populasyon.

Ngunit, sinabi ni Galvez, ang opisyal na rekomendasyon ng NTF ay hindi maaring alisin ang mask mandate hanggang sa ang COVID-19 ay “totally eliminated” na.

“Until the pandemic has ended… and while we cannot say that we are totally secured or that the COVID-19 is totally eliminated, we cannot remove the face mask (mandate),” aniya.

Sinabi rin ng Malacañang na kailangan pa ring magsuot ng face mask kahit nasa ilalim ng Alert Level 1 classification, kung saan maaari itong maging effective pagdating ng Marso 1.

Sa ialim ng Alert Level 1, papayagan ang intrazonal at interzonal travel anuman ang edad at comorbidities.

Batay sa latest data ng National Vaccination Dashboard ng NTF, mahigit 60 milyong Pilipino na ang fully-vaccinated, at higit walong milyon na ang nakatanggap ng booster shot.

(PhilStar)